Habang patuloy ang pagpapalitan namin ng kuro-kuro ng aking kapatid, biglang may dumaan na umagaw sa aking pansin. At dahil malabo na ang aking paningin, kinailangan kong lapitan ang lalaking ito upang masiguro na siya na nga aking isa pang kadaupang palad sa araw na yaon. Hindi naman ako nagkamali. Siya nga ang aking nakababatang kapatid.
Niyakag ko siya papunta sa kinauupuan namin ng aking kapatid. Pinakilala ko sila sa isa't isa dahil bagama't kami'y magkakapatid sa pananampalataya sa iglesiya ni Batman, ngayon pa lamang sila magkikita. Matapos ang mabilisang pagpapakilala, umupo na ang aking nakababatang kapatid. Nagsimula muli ang aming salaysayan. Ninais ko na sandaling manahimik upang pagbigyan ang aking mga kapatid na makapalagayan ng loob. Ang aking kapatid ay siyang siya sa kanyang pagsasalsay ng kanyang mga naranasan na tiyak ko naman na ikinatuwa ng aking nakababatang kapatid. Nakakatuwa silang pagmasdan. Pansin na pansin na sila ay sabik na makilala ang bawa't isa.
Ito ang ika-apat na pagkikita namin ng aking nakababatang kapatid. Marami na rin akong naisulat tungkol sa kanya sa aking mga lumang tirahan. Para sa mga ngayon lamang nagbabasa,, ang aking nakakabatang kapatid ay isang tsinoy. Kagaya ng maraming tsinoy, siya'y maputi at matangkad. At dahil kapatid ko siya, siya ay isang kaaya-ayang tao. Mabait, mapagkumbaba, matikas, makisig, at higit sa lahat, totoong tao. Ako ay napakapalad na magkaroon ng kapatid na kagaya niya.
Nagpatuloy ang aming palitan ng kuro-kuro. Kung ako'y hindi nagkakamali, pati ang pagsusuot ng mga simbulo, kagaya ng simbulo ng Alemanya nung panahon ni Hitler, ay aming napagusapan. Kung ano anong mga ideya ang aming napagusapan. nakaktuwang isipin na sa sobrang pagka aliw namin sa aming salaysayan ay hindi namin namalayan ang oras. Napabalik lang kami sa kasalukuyang panahon ng may umagaw muli ng aking pansin. Ang aking ikatlong kikitain ng araw na iyon. Ang aking kapatid na saksi ni Kulafu!
Nilapitan ko siya upang batiin. Pero dahil siguro sa hinhin ng aking boses, hindi niya ako nadinig kaya siya ay naglakad palayo. Hinabol ko siya upang tapikin sa likod. Nang nakuha ko na ang kanayang pansin, itinuro ko kung nasaan kami at niyakag siya papunta sa aming kinauupuan.
Ang aking kapatid na ito ang isa sa dalawang taong malapit sa aking puso. Noong panahon na walang pumapansin sa aking mga lumang tahanan, silang dalawa ng aking isa pang kapatid ang walang humpay na dumalaw at nagpalakas ng aking loob. Ito ang aming ikatlong pagkikita kung tutuusin. Nailathala ko na rin sa aking lumang tahanan ang aking paglalarawan sa kanya pero para sa kapakanan ng mga hindi nakabasa, ang kapatid kong ito ay moreno, matikas, mabait, at may natural na gandang nararamdaman mo kahit sa malayo. Ganoon katindi ang kanyang anyo.
Nang siya ay nakaupo na at ang pagpapakilala ay natapos na, nagtuloy ang aming salaysayan at palitan ng kuro-kuro. Dumating pa ang punto kung saan kaming magkakapatid ay nagpalipas oras sa pamamagitan ng panlalait sa mga taong nagdaraan. Ang aking nakakabatang kapatid ay hindi sumabay sa aming ginagawa bagkus siya ay nanahimik na lamang. Ito ay hindi ko na ikinagitla dahil hindi naman talaga niya gawain ang yaon.
Nagpatuloy pa ang aming salaysayan hangang sa nagsimulang magalburoto ang aming mga sikmura dahil sa gutom. Nagpasya kaming mag antay pa ng kaunti para sa isa pa naming kapatid. Sa puntong ito, nagpaalam na ang isa sa aking kapatid. Kinakailangan na niyang yumao dahil mayroong mga bagay siyang kailangang asikasuhin sa kanyang tahanan. Sayang nga lamang at hindi niya makikilala ang isa ko pang kapatid.

No comments:
Post a Comment