Saturday, August 4, 2007

Patalastas - Sharon Cuneta

Nitong mga nakalipas na araw, ako ay nalulumbay dahil kung anong dami ng taong dumadaan sa aking dating tahanan ay siya namang dalang ng mga taong dumadalaw sa aking bagong tahanan. Dahil sa kalungkutang ito, ninais at aking pinagisipan ang paglikha ng panibagong tahanan kung saan ang aking ilalagay ang dahilan kung saan ako ay nakilala at nagkaroon ng munting espasyo sa lugar na ito.

Kinausap ko ang aking irog tungkol dito. Nais kong kanyang maunawaan ang aking nadarama at ang parte ng aking pagkatao na nagnanais ng pansin. Hindi ako binigyan ng isang kongkretong sagot ng aking kabiyak, bagkus, siya at nanataling nanahimik na nagdulot sa akin ng mas matinding kalungkutan. Dinaan ko na lang ang aking kalungkutan sa pagtulog.

Nang ako ay magmulat ng aking mga mata para pumasok muli sa aking hanap buhay, hindi mawaglit sa aking isipan ang pag gawa ng panibagong tahanan. Ang kinang ng itim na kabalyeroo ay sinisilaw ako ng mga panahong yon. Dahil sa ganitong pagiisip, hindi ako nakapaguslat ng ilang araw sa aking tahanan. Ang iba ay inakalang ako ay lugmok sa gawain. ang totoo'y wala ako tamang pagiisip. Para bang ako ay nauulol. Dumating ang lingo at kami ng nananghali ng narinig ko ang kanta na nagbukas sa aking isipan. Aanhin ko nga ba ang kasikatan, ang dami ng taong napapadpad sa aking tahanan, at ang kasikatan na hindi naman magtatagal! Hindi ko sila kailangan! Kahit na ilang laksang bituin hindi kayang pantayan ang aking ningning ngaun na ako ay balot sa hiwaga ng pagmamahal ng aking nagiisang minamahal!!!

Ngayon ako ay nakakatiyak higit kailan pa man na tama ang aking landas na tinatahak. ano ngayon kung sa tingnin ng aking mga kaibigan at ibang mambabasa na mas maganda ang aking dating tahanan o masyado ng nagiging romantiko o malanya ang aking tema??? Ang importante ngayon ay ang kinang na bigay ng aking pagmamahal! Pagmamahal sa aking nagiisang bituin!!!


Isang munting kaalaman tungkol sa aming dalawa ng asawa ko. Parehas naming iboboto si Sharon Cuneta kapag tumakbo siyang senador o kahit presidente ng Pilipinas.

9 comments:

. said...

Hindi mahalaga kung mayroon o walang nabisita sa iyong tahanan. Ang mas importante ay kung malaya mo bang naisusulat ang iyong saloobin tungkol sa mga bagay bagay.

Take for example ako. Lagi akong fixated sa katotohanang walang nabasa sa akin. Kaya hayun, hindi masyadong issue kung may mga readers ba o wala.

Okay lang yan. Tama ang desisyon mo kapatid.

-:- Drama Queen -:- said...

you have a very...pink..blog. But I like it ^_^

hope you don't mind if I link you.

The Sharon Cuneta blog entry.. sobrang nakakatawa.

Link na kita, huh?? Thanks. ^_^

Turismoboi said...

hmmmmm so na sad ka pla

im sori i was insensitive!

but anyway like i told u

this is the challenge im talking about

sori if i was one of the reasons why u got sad

Anonymous said...

may tama ka mugen.

di ba sabi naman natin na hindi tayo sumusulat para sa ibang tao. para lang naman to sa malayang pag-express (ayan, di na ako marunong magtagalog) ng sarili natin eh.

;)

MINK said...

malaki nga ang pagkakaiba ng dati mong blog at ito, pero wag mo isipin wala nagbabasa sa blog mo. kasi meron, ako, si mink at si mikmik. tatlo na kagad yun ha! hehe

Anonymous said...

oo nga mink, tatlo na sa iyo. sa akin apat na agad. si plato, si eccentrip at si digit, maliban sa akin. hehehe

Jhed said...

Asus. Wala namang kaso yun kung wala ka ng masyadong readers.. and importante ay nailalabas mo kung ano ang mga gusto mong sabihin. Hehe.

Blog lang ng blog. :)

TL said...

Hindi ko malaman kung maiiyak ba ako o matatawa sa mga pinaglalagay ninyong komentaryo sa patalastas na to eh. Isa lang masasabi ko, MARAMING MARAMING MARAMING SALAMAT KAPAMILYA! (Oi hindi Dos yan ha! Akin yan!)

--> DQ cge ilagay mo lang ako sa listahan mo. Ilalagay din kita sa mga kapitbahay ko :)

Charmed One said...

iboto ba talaga si shawie for president?

kumusta naman?