Wednesday, July 25, 2007

PATALASTAS

Ako ay muling lilihis panandalian sa tunay na pakay ng aking bagong tahanan upang isaad ang kaganapan sa aking buhay sa labas ng bahay.

Matagal tagal na din ng ako ay mamulat sa aking kapaligiran. Sa kadahilanang ito, napukaw ang aking damdamin upang sumuong sa isang pagaaral. Mag aapat na taon na din ang nakakaraan ng ito'y magsimula...

Kanina lamang, muli ko itong ibinukas sa isang taong may puang na sa aking puso at pagkatao. Nang natibag ang pader, ang usapang naganap ay isa sa matagal tagal ko nang hinde nadadama. Isang makabuluhang paguusap. Isang pagpapalitan ng kuro-kuro. At ang pagbubukas ng isipan upang matutunan ang mga bagay bagay na sa una'y animo'y hindi maaarok ng isipan. Sa ganitong mga talakayan ako sumasagana at mabubuhay. Salamat sa iyo, kapatid at kaibigan, sa buhay na iyong ibinigay sa akin. Ang dugo ko ay muling dumaloy upang ang aking natutuyong bumbunan ay magkaroon ulit ng laman.

Nais ko rin iparating sa mga napapadpad sa aking munting espasyo sa ere na kung kayo ay may suliranin sa pag-ibig, pamilya, paaralan, o kahit sa hinaharap, bukas ang aking tahanan. Ako ay iyong sulatan. Hindi ako nangangako ng tulong lalong lalo na ang tulong pinansiyal ngunit ang pagbubuhos ng saluobin ay isang paraan upang ang iyong bigat na dinadala ay gumaan.

Binubuksan ko rin ang aking tahanan sa mga taong may mga katanungan hingil sa may akda at may ari ng espasyo na ito. Iwan ninyo ang inyong mga katanungan bilang inyong komento at pipilitin kong tugunan sa lalong madaling panahon ang inyong mga katanungan.

Kung ikaw ay isang taong mahina ang loob katulad ng inyong abang lingkod, maari mong ipadala ang iyong katanungan, suliranin sa buhay, o tulong pinansyal sa aking liham-tangapan


6 comments:

turismoboi said...

so pwdeng makipaginuman sa haus nyo

GO!!!!!! bwahahha

Jinjiruks said...

ang lalim naman ng pananagalog mo. hindi ko mahinuha sa rurok ng aking sapantaha ang mga matatas na pananalita ng aking kaibigang ito.

DK said...

@CJ Inuman? Hahahah oo basta sagot nyo alak at pulutan!

DK said...

@Jin Ipagpaumanhin mo aking kabaka ang aking pagpluma ng mga salitang hindi maarok ng iyong sapantaha. :)

turismoboi said...

hehehe!

cge magpapadala tayo kay mink GO! bwahaha

DK said...

Nyahahaha lagot si Friendship mink ngaun!!! :)