Saturday, August 25, 2007

Love Notes #1

Bhe,


Wala lang. Gusto ko lang sabihin na mahal na mahal kita! Mwaahh!!!

Oo nga pala, sorry about the other day. I know you understand naman po pero sorry pa rin. Naasar lang talaga ako doon sa babae na ang height ay parang nanay ni Mahal at Mura. Pagod at puyat na nga ako tapos aagawan pa ako ng chair! The nerve nung babae! Sumingit na nga lang sila sa pila mangaagaw pa ng silya. Tapos sya pa yung galit! Kung hindi kita kasama baka nasagot-sagot ko yung panget na yun!

May practice nanaman pala kayo today. Gusto ko sana magstay na lang dito sa office para hintayin ka kaso hindi mo rin alam kung saan kayo magpa-pratice. Kasi kung ako tatanungin mo, kung malayo dito sa office yung practice nyo, eh mauuna na ako umuwi tapos diretso ka na rin uwi. Mapapagod ka lang kung babalik ka pa ng office. Pero kung malapit lang naman, eh di intayin na lang kita dito. Ano sa tingin mo? Pwede din naman na sumama na lang ako sa practice mo. Mapapanuod na kita, sabay pa tayong uuwi! Ano payag ka?

Wala nga pala tayong pasok sa susunod na Monday. Hehehe ayos long weekend! Ano balak mo? Ako either magmall hopping tayo or pwede din tayong magswimming! Uhm pero ang alam ko di ba gusto mo mag enchanted kingdom? Tara EK tayo!!! Hehehe sana kaya ng budget natin ;)

Muntik ko na makalimutan, post ko pala to sa blog ko ha! Ok payag ka! Yeheey! Mwah! Mwah! Mwah! Love you!


TL

3 comments:

charmed one said...

Love Letter itu?

Hehehehehe.

Kapatid talaga, inlovey........

silipin mo blog ko, may magandang view hehehehe.

gripenmanila said...

Ano veh,and tindi naman nito! oozing a pagmamahal...

Parang gusto ko tuloy maglasalas sa inggit!

hahahahaha!

TL said...

Sisterhood Chris nasight ko na ang hombre! Kakatacute xa infairview ahihihi

Kapatid na Gripen musta musta? Buti naman at ika'y nagbalik na!