Tuesday, August 28, 2007

Love Notes #2

Bhe,

I just want to thank you for yesterday. Ang sarap ng gising ko kanina kasi katabi kita. Tapos ang sarap sarap ng breakfast natin kasi ang sarap mo magluto. Mwah!!! Love you so much!

Alam mo kahit Monday ngayon at umuulan, hindi ako nalulungkot. Hindi kagaya ng mga nagdaang Monday na inis na inis ako kasi work nanaman. Pero hindi today! Iba ang gising ko. Feeling ko kahit anong mangyari, hindi kayang alisin ang tuwang nadarama ko. At alam ko hindi lang to yung sinasabi nila na "getting up in the right side of the bed" kasi dun parin ako sa same side ng bed tumayo eh hehehe ang corny ng joke ko :p

Ang bilis ng panahon. "Ber" months nanaman next week. Parang last month lang nag Pasko ngayon malapit nanaman ang December. I'm so looking forward to having a Christmas dinner with you my Bebhe. you're the best Christmas gift I will ever get! Kaya kahit walang dumating na birthday or Christmas gift this December, I don't care. Kasi nga para sa akin, I'm complete! Parang si Sam Milby! Ok corny ulit. Pero promise ko sa end ng letter ng na to ngingiti ka.

About last Saturday nga pala, THANK YOU! Kasi po super understanding ka. Kahit na dapat aalis tayo, pinabayaan mo akong ma-enjoy ang company ng friends ko. Kaya kita mahal na mahal eh. Alam ko ok lang sayo pero I still want to say my sorry kasi inabot ako ng dis-oras ng gabi. Sorry po talaga. Medyo napasarap ang kwentuhan.

Medyo mahaba na pala itong naisulat ko. Sige balik muna ako sa work. Excited na ako mamayang uwian kasi makikita at mayayakap kita ulit.

Love you!

TL




















Ooopppsss baka akala mo nakalimutan ko na noh? Happy monthsary MyBebhe! 10 months! My love for you grows deeper every passing day. Sabi nga sa kanta, "I love you more than yesterday! But not as much as tomorrow..." I'm looking forward to spending the rest of my life with you. Love you!!!

No comments: