Nais kong magbigay pugay sa isang taong nagkaroon na ng parte sa aking puso at pagkatao. Ang aking nakakabatang kapatid na ito ay walang kahalintulad para sa akin at ang kanyang pagyao ay magiiwan ng malaking pitak sa aking puso na hindi mapupunan nino man.
Hindi man kami nagkakilala ng masinsinan o nagkadaupang palad man lang, hindi ito naging hadlang upang ibigay niya ang kayang respeto at pagalang sa akin bilang isang tao. Hindi ito madaling makuha lalo na ng isang taong kagaya ko. Madumi, hampas lupa, at nakakadiri. Dito ko nasubok ang kanyang tunay na pagkatao. Kahit nabasa na niya ang aking mga napagdaan at nakaraan, ako'y kanya paring itinuring na kapamilya. Isang patunay na ang aking kapatid na kahit wala pa sa sapat na gulang ay mayroong pag-iisip ng isang taong higit doble pa ng kanyang edad.
Ang aking kapatid na ito ay nauna pang gumawa sa akin ng kanyang sarili nyang tahanan gaya nito. Ngunit sa halip na ipamukha niya ito sa akin, siya pa ang nagpakumbabang ako'y kaibiganin at palagiang bisitahin at basahin ang aking walang kwentang mga isinulat. Patunay lamang na ang aking kapatid ay isang tunay na kaibigan.
Una ko siyang nakilala sa ilalim ng ibang pangalan. Ng dahil na rin sa lakas ng hatak ng tahanan ng aking kamahalan, at ang kanyang palagiang pagbisita sa aking tahanan, pinalitan nya ang kanyang pangalan at ngayo'y mas kilala na sa ganoong alyas. Kiddo.
Ano man ang mangyari, hinding hindi ko iwawaksi sa aking isipan bagkus ito'y aking ipagmamalaki at ipagsisigawan na minsan, sa mundong ito, nakilala ko ang aking nakababatang kapatid. Kiddo, the light bearer.
No comments:
Post a Comment