Tuesday, December 11, 2007

Love Notes # 6

Bhe,


Salamat po sa suporta at pagtitiwala. Salamat at nandyan ka lagi sa tabi ko at handing umalalay. Salamat sa pagintindi at pagunawa sa mga bagay bagay. Mahal na mahal kita...

Bhe, alam mo naman ang nangyari nitong mga nakaraang araw. Nagdesisyon akong gawin ang isang bagay kahit na alam kong may masasaktan. Sa totoo lang, wala akong ibang dahilan o rason kung bakit ganun ang aking naging desisyon kung hindi ang sobrang kakulitan ng aking isip. Alam mo naman na hindi ako mapapakali kapag merong isang bagay na hindi ko alam. Para akong kiti-kiti na paroo’t parito kakaisip sa bagay na gusto ko malaman o maintindihan. At nito ngang nagdaang mga araw, nangyari ito. At dahil na rin sa kagustuhan kong masiyahan ang aking isipan, nagdesisyon akong gawin ang bagay na yaon.

Alam kong sasabihin ng mga taong makasarili ang aking hangarin at dapat lang na ako’y kagalitan ng mga taong aking masasaktan. Sa totoo lang, maari ko namang sabihin na ginawa ko iyon para sa ikabubuti nya. Para makatulong. Pero alam mo naman na hindi ko ugali ang magsinungaling hangat maiiwasan. At sa pagkakataong ito, wala akong nakikitang dahilan upang itago ang tunay kong hangarin. Makasarili man ito o hindi.

Kagaya mo Bhe, maraming nagsasabing para akong nagsusugal. Oo tama kayo. Dahil para sa akin, ang buhay ay parang sugal. Sa araw araw, tayo ay binibigyan ng kalayaang mamili at hindi natin alam kung ano ang kahihinatnan. Pipili na lang tayo at mananalangin na sana’y tama ang ating naging desisyon sa buhay. Na sana, maganda ang kalalabasan. Masasabi ko na naiisip ko rin yan nung nagdesisyon ako. Naisip ko na magagalit sa akin ang mga tao. Naisip ko hindi nila ako maiintindihan. Ngunit tinimbang ko kung ano ang mas mahalaga. Ang hindi alamin ang isang bagay at tiisin ang sikip sa aking dibdib o ang makasakit ng aking kaibigan. Oo, sumugal ako. Sumugal ako na mauunawaan ako ng aking kaibigan. Na ako’y kanyang mapapatawad matapos ko siyang saktan ng pangalawang beses.

Aaminin ko, hindi ako umaasa na ako’y kanya pang mapapatawad. Ang aking naging desisyon ay napakamakasarili. Hindi ko inalintana ang kanyang damdamin. Ngunit kahit ganoon man ang mangyari, hindi ako nagsisisi sa aking naging desisyon. Pero kahit napakasakit para sa akin na makitang galit sa aking ang isang kaibiganangagatawan ko ito at haharapin ang anumang kahihinatnan nito.

Ika nga ng isang kaibigan ko, ano daw ba ang mapapala ko sa pakikialam ko sa buhay ng may buhay? Gustuhin ko mang sumagot ng isang magandang rason, pinili kong sabihin ang aking makasariling desisyon. Makasarili pero totoo.

Kaya ako’y nagpapasalamat sayo Bhe. Alam kong hindi mo ako iiwan. At kahit mawala man silang lahat, nandidyan ka pa rin. Handa akong mahalin.


Mahal na mahal kita…

5 comments:

Dabo said...

you know i was told in life there are always two reasons, the good one and the real one, that is why i don't believe in bad or evil stuff, so you are not subject to judgement as far as I am concern. -- i perceived you are telling us the real one..so how one should understand a self-centered decision like that..

i hope the answer is not "by doing nothing"

--
(sorry sa pakikialam)

Diablo said...

sana may malambing din akong fafa gaya neto... lolz.

d ako girlie ha. ^_^ pero secret desire naman talaga ng lahat ito.

MINK said...

my point si dave, john...
kung ano man yung nangyari, maaayos din lahat yun in time.
Magkakaintindihan din kayo ni kaibigang yun, sabi nga time is gold, este time heals... hehehe

Kamusta kay Bebhe... its good to know anjan sya lagi for you!

Ngumiti ka na kasi! tama na drama, mag bi-birthday ka na!!!

Anonymous said...

@Kupal don't worry I'm not worried about judgement or anything. As along as I did what I think is right, that's enough for me.

@Carlo Hahaha thanks thanks po :)

@Friendship Nakangiti na po :)

Anonymous said...

anu meron?? i smell tampuhan ??
==kaikai