Hindi ko alam kung anong meron pero nahihirapan ako magsulat ng bagong post. Hindi ko rin alam kung bakit parang lahat ng sinusulat ko ngayon eh basura at walang saysay. Magtatatlong araw ko ng sinusubukan pero wala talaga. Sasabihin nanaman ng iba dyan ang drama drama ko. Eh panong gagawin ko ganito talaga ako. Pinanganak na madrama.
Ang dapat pamagat ng post ko eh “Sun and Politics” dahil gusto kong ikwento kung bakit ako nagpalit ng network provider. Pero dahil hindi ako makabuo ng isang kwento sasabihin ko na lang agad kung bakit. Nagpalit ako ng network kasi may nakilala akong bagong kaibigan. At dahil gusto kong makilala siya ng lubusan, nagpalit ako ng network. Uunahan na kita. Hindi ko siya kasintahan o anuman at oo malakas talaga siya sa akin dahil nagpalit pa ako ng numero para lang makausap siya. Hindi nya hiniling na magpalit ako. May topak lang talaga ako kaya ganito. Pero matapos ang dalawang araw na kwentuhan at paguusap, inaalikabok na ang telepono ko. Nagiisip na nga akong bumalik sa dati kong numero para naman may silbi ang telepono ko.
Sa loob ng dalawang araw na kwentuhan, madami kaming napagusapan. Madalas ang usapan ay tungkol sa Moon. Wag mo na akong tanungin kung bakit tungkol sa Moon ang usapan at hindi kita sasagutin. Pero ang pinaka nagustuhan kong usapan naming ay nung nagusap kami ng ala-una ng umaga na umabot hangang alas kwatro ng umaga. Ano piangusapan namin? Moon nanaman. Pero nung araw na yon, medyo naiba ang usapan dahil nahaluan ng politika. Nagbiruan pa nga kami kung ano ang gagawin namin kung kami ang presidente ng Pilipinas. Sabi ko ang gagawin ko eh tatangal ko ng Pork Barrel ang mga mambabatas dahil hindi naman sila hinalal para magpagawa ng mga tulay, kalsada, at eskwelahan. Nandyan sila para gumawa ng batas. Wag nilang agawan ng trabaho ang mga lokal na opisyal. Tapos sabi ko pa na hindi dapat binibigay ang budget sa bawat syudad at bayan. Dapat merong pangbansang budget kung saan manggagaling ang mga kailangan ng bawat bayan. At hindi pera ang makukuha nila kung hindi materyales na kailangan nila para sa kanilang proyekto. Sa ganitong paraan, mababawasan ang korapsyon. Ganyan ang napagusapan naming at kung ano ano pang mga kahibangan.
Ang panghuling bahagi dapat ng post ko ay tungkol kay tungkol sa bigat na dinadala ko ngayon. Nitong nakaraang mga araw, ninais kong lumabas ng aking kwarto para maiba naman ang tanawin. Kasi naisip ko lang na kung lagi akong nakakulong sa apat na sulok ng kwarto ko at lumalabas lamang para magtrabaho, hindi ko makakalimutan ang sakit at lungkot na nadadama ko dahil sa aking ina. Sinubukan kong ayain ang aking mga kaibigan yun nga lang, meron silang mga kanya kanyang buhay at suliranin na dapat din harapin. Nagpapasalamat ako kay Macoy sa kanyang pagdamay sa aking noong nakaraang Lingo. Kahit na antok na antok na at may pasok pa kinabukasan, sinamahan nya akong magkape kahit ang ginawa lang namin ay magtitigan at makipagusap sa kanya kanyang telepono. Sayo Macoy, salamat ng marami!
Whew! Ang haba ng litanya ko! Isipin nyo, yan ang pinagtityagaan ni MB sa araw-araw. Kaya mahal na mahal ko yun eh. Kahit puro drama ako, hindi nya ako iniiwan. Hindi nya ako pinapagalitan. Bagkus, lalo pa nya akong iniintindi at minamahal. Wala na akong mahihiling pa.
11 comments:
ooww this is really nothing compared to talking to you.. wapak!
wa ha ha ha..
Pasensya na kapatid ha at nagkataong may dala dala rin ako. Hindi naman walang wenta ang post mo eh!
adik :p
salamat.nahiya yung friend na yun bigla.
-m
drama? who cares! its your blog anyway! but i liked it!
minsan talaga mahirap magsulat...
i cant imagine myself talking on the phone ng ganun katagal... pwera na lang kung crush o may HD ako dun sa kausap ko!
:)
oh.
Hello I'd like to congratulate you for such a great made site!
I was sure this is a perfect way to introduce myself!
Sincerely,
Laurence Todd
if you're ever bored check out my site!
[url=http://www.partyopedia.com/articles/bug-party-supplies.html]bug Party Supplies[/url].
[url=http://www.kfarbair.com][img]http://www.kfarbair.com/_images/_photos/photo_big7.jpg[/img][/url]
מלון [url=http://www.kfarbair.com]כפר בעיר[/url] - [url=http://www.kfarbair.com/about.html]חדרים[/url] גדולים אנחנו מציעים שירותי אירוח מגוונים כמו כן יש במקום שירות חדרים המכיל [url=http://www.kfarbair.com/eng/index.html]סעודות רומנטיות[/url] במחירים מיוחדים אשר מוגשות ישירות לחדרכם...
לפרטים אנא לפנות לאתר האינטרנט שלנו - [url=http://kfarbair.com]כפר בעיר[/url] [url=http://www.kfarbair.com/contact.html][img]http://www.kfarbair.com/_images/apixel.gif[/img][/url]
Amusing topic
Hello. My wife and I bought our house about 6 months ago. It was a foreclosure and we were able to get a great deal on it. We also took advantage of the 8K tax credit so that definitely helped. We did an extensive remodeling job and now I want to refinance to cut the term to a 20 or 15 year loan. Does anyone know any good sites for mortgage information? Thanks!
Mike
I think, that you commit an error. I can defend the position. Write to me in PM, we will talk.
Post a Comment