Noong nagdaang Sabado, ika-dalawampu't walo ng Hulyo, ay ang araw ng aming paggunita sa ika siyam na buwan na pagsasama naming mag sing-irog. Datapuwat ito ay isang napakahalagang araw, sa hinde malamang kadahilanan, ito ay na waglit sa aking isipan.
Wala man ako pasok sa opisina nung araw na iyon, ako ay nagpunta pa rin. Wala sa aking hinagap na araw na pala ng aming pagdidiwang. Ni hindi ko man lamang nagawang batiin ang aking kabiyak. Pagkauwi ko ng Sabado ng umaga, ako ay dumiretso sa papag upang matulog. Pagkagising, ako ay nagulat at pinagluto ako ng aking irog. Kahit sa tagpong iyon, hindi sumagi sa aking isipan na ito pala ay dahil mahalaga ang araw na iyon. Nang matapos akong kumain, bumalik ako sa higaan upang tabihan ang aking minamahal na nuo'y nagpapahinga na. Siya ay nakatingin lamang sa akin. Wari'y naghihinitay na may mamutawi sa aking labi. Subalit hindi pa rin sapat ang pangitaan na ito para ako ay makaalala. Para ako ay magising.
Pagdating ng hapon, ako ay nagising upang maghandang pumasok na sa opisina. Ginising ko ang aking mahal upang magpaalam. Hinawakan nya ang aking kamay na parang ayaw bumitiw. Ako ay nagbiro "Kailangan ko ng umalis at baka ako ay mahuli". Unti-unting bumitiw sa pagkakahawak ang aking irog. Lumabas ako ng aming silid at naghandang umalis. Ngunit bago ako makalbas ng pinto, mayroong pilit bumubulong sa aking puso na bumalik at ipadama ang aking pagmamahal sa aking minamahal. Pumasok ako muli sa silid at hinagkan ang aking minamahal at sinabing "Mahal na mahal kita". Ng ako ay nas pintuan na ng aming silid, ako ay muling lumingon. Nakita ko ang aking irog na nakatunghad sa akin. Ngunit kahit sa sandaling yon ay hindi pumasok sa aking kukote kung bakit. Nang hindi ko maisip kung bakit, ako ay nagdesisyong humayo na.
Nang ako ay nasa opisina na, hindi ko pa rin ma waglit sa aking isipan na mayroon akong nalimutan. Kinuha ko ang aking telepono at nagpadala ng isang munting mensahe sa aking kabiyak. Hindi naman ako nabigo at nakakuha ako ng sagot galing sa kanya. Ako ay nagpadala ulit ng mensahe pero sa pagkakataong yon, hindi na ako nakakuha pa ng sagot. Ng pumatak sa labing limang minuto makalipas ang hating gabi, nakakuha ulit ako ng mensahe galing sa aking mahal.
"Mahal na mahal kita, un nga lang ulyanin ka!!!"
7 comments:
may bago na akong tawag sa iyo. hindi na bigotilyong cute. ulyaning cute na. harharhar.
pero nice entry. simula masyadong madrama at seryoso pero ang bigat ng punchline. natawa ako doon. hehehe
Sabi naman sayo eh, nagkakalimutan rin kami ng monthsary ng buddy ko. Ibig sabihin nun, you are beginning to count years rather than months na. Hehehe.
Yang monthsary na yan, effective lang pag nagsisimula pa lang kayo.
Master Trip thanks po sa compliment. Pero hinde ako bigotilyong cute at lalong hinde ako unlaying cute! Lam mo kung bakit? Kasi hinde ako cute :p
"...you are beginning to count years rather than months..."
Kapatid na Mugen, if you put it that way, aba lusot na ako! Hehehehe
hindi ako magaling magtanda ng dates. ewan ko lang sa mga monthsary na ganyan...
hindi ako magaling magtanda ng dates. ewan ko lang sa mga monthsary na ganyan...
salamat sisterhood, dahil syo ay nakapost ako, ahaha heto na malupit ko comment:
mag alarm s celphone ng di nakakalimutan:D
_--kaikai
Friendship Mink dapat ngaun pa lang mag practice ka na. Sabi ko sayo malaking issue yan...
Sisterhood KaiKai hehehe nicde to see a comment from you at last! Naka alarm kaya! Un nga lang, naka silent. Hahahaha
Post a Comment