Nitong nagdaang sabado, binigyan ako ng pagkakataon na makita ang mga taong malapit sa aking buhay manunulat. Matagal tagal ko na ring ninais na makita ang aking mga kapatid sa pananampalataya sa iglesiya ni kulapu at saksi ni batman.
Paguwi ko ng Sabado ng umaga, ramdam na ramdam ko ang matinding pananabik na makapiling ang aking mga kapatid. Ninais ko na wag na umidlip upang hindi mahuli sa oras ng aming kitaan. Ngunit ang kalabit ng aking minamahal ay hindi kayang tangihan (Madalang na nga tatangihan ko pa?) Sa aking kapaguran, napahimbing ang aking tulog. Nagulat na lang ako ng gisingin ako ng aking irog at sabihing ika-dalawa na ng hapon. Dagli akong tumayo sa aking higaan at nagtapi ng tuwalya upang lumabas at magpadala ng mensahe sa aking kapatid na ako'y pupunta. Hindi na ako nagintay ng saogt. Ako ay naligo't nagbihis, hinagkan ang aking mahal, at umalis ng aming bahay.
Dumating ako sa aming usapang lugar ng lapas sa pinagusapang oras. Nakakahiya sa aking kapatid. Unang pagtatagpo at pinagintay ko na siya kaagad. Ngunit ng tawagan ko siya ay wala na siya sa aming pinagusapang lugar. Ako'y kinabahan panandalian. Lumipat lang pala siya ng lugar. Dagli akong nagtungo sa lugar ng mga aklat. Papalapit pa lang ako, nagtagpo na ang aming mga mata. Alam ng bawa't isa na dumating na ang panahong aming inintay.
Mainit ang kanyang pagtangap sa akin kahit na ako'y medyo paimportante. Ako may hindi naitago ang aking galak na makita siya kaya hindi na nabantayan ang lakas ng aking boses. Pinagtinginan tuloy kami ng mga matrona at mga taong naliligaw ng landas.
Tumuloy kami sa lugar kung saan maari kaming makaupo at makasilay ng mga isda. Habang naglalakad, tuloy ang aming palitan ng kwentuhan. Walang katapusan. Ng masapit namin ang aming patutunguhan, sandali naming pinagpahinga ang aming mga paa ngunit ang aming mga dila'y tuloy ang pagkisay. Marami kaming napagusapan. Nagpalitan ng mga larawan ng minamahal. Pati ng mga kuro kuro tungkol sa iba pang mga kapatid sa pananampalataya ay napagusapan namin. Lalo na ang bagong samahang kanyang kinabibilangan. Dito ako humanga ng lubos sa aking kapatid. Bibihira ang taong kagaya nya. Totoo, mapagkakatiwalan, nakaapak ang paa sa lupa, at sa dami ng pinagdaan, tiyak na mapagkukunan ng mabubuting aral. Siyanga pala, kung siya ay ihahambing ko sa isang bagay, ang aking kapatid ay isang tipak ng bundok yelo na lumulutang sa karagatan.
Patuloy ang aming kwentuhan. Sa sobrang sarap niyang kausap ay nalimot ko na ang oras at panahon. Natigil lang panadalian ang aming usapan ng may dumaan...
3 comments:
aabangan ko po ang mga susunod na kabanata at pangyayari sa pansamantalang pagdadaupang-palad ninyo ng mga taong malapit sa buhay mong manunulat. hehehe
Hahaha kamangha manghang puna ang iyong ibinigay aking kamahalan. At dahil sa wakas mayroong naglakas ng loob na malagay ng puna sa aming pagdadaupang palad, maitutuloy ko na ang susunod na kabanata hehehe
nais kong malaman ang kadugtong ng wento n toh... i love the new way of writting you convert it to a way na hmmm pananabikan ang kasunod, nice job sisterhood
-kai kai
Post a Comment