Bhe,
Wala lang, gusto ko lang share sayo yung mga nabasa ko sa blog ng friends ko this week. Iba iba ang post nila pero iisa ang dumikit sa utak ko. "Spark"
Naalala mo nung nagsisimula pa lang tayo, naikwento ko syo na hindi ako talaga nanliligaw pero pagdating sayo, wala, iba ka kasi. Hehehe uuyyy kinikilig. Anyway high way, balik tayo sa "spark" na yan. Madami kasi akong nababasa na nakikipagdate tapos papatayin agad nila ung pag asa na pwendeng maging sila nung nakadate nila kasi "walang spark". Nakakainis di ba? I mean kailangan ba talaga ng "spark"? Tayo nga running 1 year na pero hindi tayo nag start sa spark spark na yan. Remember sabi mo hindi mo nga ako gusto back then kasi pasaway ako. (Well hangang ngayon naman pasaway parin ako hehehe) Isa lang patunay yan na wala talagang spark between us pero we made it work! Hay naku, naha-highblood ako hehehe. Relax. Relax Relax.
Sa palagay ko kasi, paminsan minsan, dapat marunong magisip sa labas ng kahon ang isang tao. Sabi nga ng kapitbahay nating si Plato eh dapat hindi tayo nagko-conform sa sinasabi ng society. Dapat paminsan minsan, susuway tayo sa agos. Kasi kung parati na lang nating gagawin ang sinasabi ng iba, aba eh maging robot na lang tayong lahat at baka lumabas pa si Will Smith at hanapin si Tom Cruise para simulan na ang War of the Worlds hehehe. Corny I know eh ano magagawa ko naha-highblood na ako. Ok back to the topic. Hindi ko naman sinasabi na hindi kailangan ng spark. I mean, most of the relationships that I know is dun nagsimula. Pero hindi lahat eh succesful. Kasi minsan ung sinasabi nilang "spark" eh libog lang talaga at pag nairaos na, wala na. Babu. Goodbye. See Ya. End of Story. Tingnan na lang nila ang nangyari sa akin. Nakaamin na relationship na ako bago pa maging tayo. Lima don based sa "spark" na yan pero ano nangyari? Wala! Ni hindi man lang tumagal ng 3 months! Ung isa nga 2 weeks lang eh. Pano nga libog lang talaga.
Hay naku weekend na at ayoko nang magesep esep. Tama na ang post at tayo ng umuwi. Miss ko na amoy mo at ang mga yakap mo. Hehehe ngayon pa lang naamoy na kita. Amoy pinipig! Hehehe. Love you!
TL
17 comments:
oo nga eh, sinong bang nagpasimuno ng spark na yan! wahehe
totoo yun, na downhill ang isang relationship kapag nagstart sa "spark." Pitfall ng maraming tao yung serendipity at fanstasy lang naman sya eh!
It's a seductive Idea kasi and it's a pleasure to trust some part oflife to the "universe."
for my rule: love is not something you find; it's something you develop. so kahit sino pede mong maging "ka bebhe"
Successful courtship is a less matter of whomyou choose that the kind of relationship you are able to create..wa haba tuloy! Naka base kasi ang ating fantasy sa Mr right na yan..
Ito na ata ang pinakamahaba kong message...hmpf
Haha medyo contradicting yata ang stand ko. Ako yung tipong naghahanap sa spark na yan. To define spark nga pala, heto yung unexplainable feeling bakit magaan ang loob mo sa isang tao. Heto yung feeling na parang enjoy kang kasama siya kahit na kung tutuusin wala naman kayo talagang common ground na mashashare sa isa't isa.
sa pagkakaalam ko ang apoy nagsisimula sa SPARK...
Apoy na magbibigay ng init at liwanag
o
Apoy na makakapinsala ng buhay...
now choose and take the risk...
naglalagablab talaga dito..
ako ayaw ko ng spark..gusto ko yung alang ka pakiramdam..para maiba di ba?
honestly, hmmm, yoko na ng mga love love na yan..kapagod..sabi pa sa bisaya, kapuy oi!!
oi pahabol...
pero syempre, masaya akong malaman na may pag-ibig nga talaga. at marami itong napapasaya kagaya ninyo...
p.s.
di ba medyo nabanggit mong financially medyo hirap kayo ngayon? okay ba sau mag-aplay ng credit card? baka makatulong..may kaibigan kasi ako sa HSBC...baka lang po...Godbless
anong spark? lolz....kidding aside....it works in different ways for almost everyone ata. depende naman kasi kung ano talaga hinahanap mo, syempre if your looking to have "fun" lang, eh anu pa nga ba ang silbi ng spark na yan. anyways, you have your bhe bhe, that's enough "spark" to fuel your "fire" til the next lifetime of so....hihihi.
lolz ako pasimuno ng spark na iyan. baka naman kasi iba iba ang definition natin ng spark na yan.. hindi po ba? well currently.. hindi sa spark itong bagong relationship ko ngayon tito TL.. kaya nga nag tag ako ill be trying yung validity ng spark na yan..
nakanaman ang tweet!!!
well, how would you know its the right spark di ba???
kaya dapat wala talagang spark spark because it could be really deceiving at times!
akala ko iyung spark eh "libog". hindi ba? well 5 years and counting na kami. hehehe
watusi ba yan at kelangan ng spark? hehehe
ay npkasarap nman ng amoy ng bebe mo , pinipig talaga, ahhihi
--kaikai
@Shamasu I agree with your stand. We develop love.
@Mugen Kapatid bakit ako magaan loob ko sa maraming tao pero hindi naman ako nakikipagrelasyon sa kanilang lahat?
@Mink Friendship may tama ka!
@Engz like it or not, love develops at unexpected moments :) Keep believing!
@Reigh So you believe in the "spark" pala :) Kayo ba ng kaibigan natin may "spark"?
@Jin Hahaha Jin hindi lang ikaw may post about "Spark". Excited na ako malaman story nyo ni 1VS100 guy hehehe
@Wanderer Dapat nga wala pero ang kaso meron meron meron
@Trip congratz po. Palagay ko din "libog" lang ang "spark" pero kung ganun, kailangan xa.
@Hxero Hehehe pwede din
@Kaikai Sisterhood tenk u! :)
taenang "spark" yan. Pauso lang yan ni Nikulas Isparks...
nyahahhahaha.
pero meron naman talagang nagsisinula sa sparks at natatapos din dun..
eh panong hindi? Nasunog na kakahanap ng "ispark"
hahahhaha. walang sense amf. :)
wtf... kailangan ba talaga ng spark?
arte lang yun para sa akin..
it doesnt exist.. he he..
@DQ Wahaha kagandang comment! Wahahah!!
@Kingdaddyrich thanks sa pagdaan sa blog. Wahaha "it doesn't exist" talaga ha
Spak...ano yan melalco may spak?
-Mano Po 3
ewan ko ba yan pumasok sa utak ko ahihih!
Swarap naman niyong dalawa! labing labing.Amoy pinipig pa! hehehe
@Gripen Kapatid ganyan talaga hehehe :)
Post a Comment