Bebhe,
Nalulungkot talaga ako at hindi ka nakasama nung nagkita kita kami nila Mike, Jay, Marlon, Reynaldo, Carlos, Mark, at Dave. Napakasaya nilang kasama. Lalo na si Mike! Hahaha hangang ngayon natatawa ako tuwing maalala ko kung papano niya pinatahimik si Marvin Agustin ng sabihin nyang "Ang gwapo mo naman". Sabi ko sayo Bhe, parang dumaan ako ng ilang beses sa sobrang tahimik namin. Parang nagiintay ng reaksyon ng bawat isa sa narinig namin. Nung nagsalita na lang ulit si Marvin, dun na lang kami ulit nakahinga ng maluwag. Kung may dala lang akong camera nun nakodakan ko sana ung nangyari hahaha. I'm sure matutuwa ka.
Hhhmmm... Since wala akong picture nila, describe ko na lang sila sayo. Dahil nakwento ko na dati si Carlos at Jay, unahin ko na si Mike. Alam mo bang higit pa siya sa inaasahan ko? Hindi ito ang unang pagkikita namin pero nung una ko siyang nakita, akala ko talaga artista! Makinis at maputi! In short flawless! Tapos akala mo minsan lumilipad ang isip yun pala eh inoobserbahan nya lang pala kami. Nakakatacute! Pero infairness Bhe, ang sarap kausap nyang si Mike! Ang daming alam! Microbiologist ba naman eh!
Pangalawa, si Mark. Siya ang pinakamayaman na blogger na nakilala ko! Grabe! Unico iho ba naman eh. Haciendero ata ang loko! Hahaha! At hindi lang yun ha, kung saan saan yan nakapunta! Nakakaingit! Minsan nga pagbinabasa ko yung blog nya at nakikita ko ung mga pictures, parang nalibot ko na ang buong Pilipinas! Ang galing! Pero dahil hindi kami gaano nakapagbonding, sa susunod ko na lang siya ikukwento sayo.
Pangatlo si Marlon. Kabatabata pa eh ang cute cute na! Tapos ang tahitahimik! Hindi makabasag pingan. Kung hindi ko pa kikibuin eh hindi rin kami kakausapin. Nakakatacute din!
Pangapat ay si Reynaldo o Rey for short. First time ko siyang nakita at nakilala nung araw na yun. At talaga namang para akong nastarstruck! Kilala siya ni Marvin Agustin! Hahaha! Nakakatuwa! Tapos game na game siya sa usapan. Kahit ano. Ang masasai ko lang, magaling siya makisama. At sigurado akong hindi nagkamali ang kaibigan namin ng maging sila!
Panglima ay si Dave. Ang pangalawa sa pinakapogi sa aming lahat! (Pangalawa lang kasi ako yung una! harharhar) Pero kupal talaga siya eh. Hehehe hindi mo ba napansin nung kasama natin siya sa EK eh ang kulit kulit? Hahaha.
Ayan, nadescribe ko na sila sayo. At ang haba na ng post na ito! Hahaha yung lunch namin eh ok kaso medyo bitin kasi inubos ng mga kasama ko ung pagkain. Pero kahit bitin sa pagkain, busog na busog kami sa kwentuhan. Parang hindi kami mauubusan ng gustong sabihin sa bawat isa. at sa tuwing nangangailan ng pahinga, dadaan lang ako para tumahimik ng konti hehehe.
Sana sa susunod po makasama ka na. Namiss kita at namiss ka ng mga kaibigan ko na kaibigan na din ang turing sayo.
I love you.
TL
Sunday, November 11, 2007
Love Notes #5
Written by TL at 10:11 PM
Labels: love notes
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
6 comments:
masyado madmaing name, nalito n ako, hehehe.
==kaikai
Awwww ang sweet naman. :)
Sisterhood Kai ganyan talaga ang purpose nyan hehehe
Kapatid thanks thanks po
AMF! taena paano ako naging mayaman eh alam niyo naman ang story ng life ko divah? Kaya ko nga ibebenta sa iyo ung violin ko eh kasi wishing na akey datung!..hahah
Anyways It was always fun to be with you! Riot ka din kasing kasama! haha!Till our next EB....
at sino kaya ang MVP ng basketbol ngayon ha. masyadong ma FIGURE OF SPEECH and post na ito!!!! puro hyperbole...
wahahaha...
salamat
TL
Cj
Dave
Gripen
Joms
Kiddo
Rey
Till we meet again
Kapatid na Gripen ganun talaga ang impression mo sa akin eh hehehe. Ricah ka!!! RICAH!!!
Friendship anong hyperbole ang pinagsasabi mo dyan? Hindi noh! Its a matter of facts! Wahahaha
Post a Comment