Thursday, January 3, 2008

Love Notes #8

Bhe,

I’m sorry po kahapon. I know napaka unfair ng ginawa ko. Nagpakahirap ka na makauwi ng maaga para lang magkasama tayo, ako naman, umalis at inuna ang ibang mga bagay. I’m sorry po talaga.

I know napagusapan na natin ito at dahil understanding ka, naunawaan mo ako. Pero Bhe, hangang ngayon I feel guilty sa nangyari. I should have known better. I mean, dapat mas naging responsible ako sa actions ko. I should have messaged you na matatagalan pa bago ako makabalik. Na wag ka mag alala dahil ok lang ako. Yung mga simpleng bagay na yan na lagi kong nakakalimutang gawin ang unti unting sumisira sa pagtitiwala mo sa akin. Na unti unting nananakit sayo. At sa tuwing nasasaktan ka, hindi lang doble kung di triple pa ang sakit na dadama ko. Napakasakit.

Tinanong mo ako kung ganito na lang ba tayo the entire year. Ayoko ng mangako kasi baka hindi ko matupad. Pero Bhe, gagawin ko lahat para ang taong ito ay maging mas masaya at magaan para sayo. Pipilitin kong paligayahin ka. Sa puso, sa isip, at sa gawa.

Mahal na mahal kita.


TL

7 comments:

theTripper said...

di ka nag message na late ka makaka uwi?

TL said...

Nagmessage. Un nga lang, late pa rin umuwi.

kiddo said...

kaya mo yan kuya dk!!

Mink: The Arabian Paladin said...

hmmm. Parang panatang makabayan yung ending! hehehe. if theres a will theres definitely a way!

Anonymous said...

hey,kaya nyo yan, more power to you and your bhe bhe this coming year, kami ni kiddo 7 months na today!!

Carl said...

sana ganyan din kasweet mahal ko...

THE GRIPEN said...

hehe ganun talaga we live in our busy urban lives spending more moments in transit and doing other things....but there's always a time to make up for mistakes diba?